Friday, January 6, 2012

MGA PILING AKDA NG MGA ESTUDYANTE SA IKATLONG TAON NG MEDELLIN NATIONAL SCIENCE AND TECHNOLOGY SCHOOL

LUHA KO, LUHA MO
ni Ella Jane Conje


Hindi ko lubos maisip,
Habang ako'y naiinip.
Nasa isang sulok ng buhay,
Nando'n ang mga taong ayaw sa akin.

Pinapagalitan at sinasaktan ang aking loob,
Habang ako'y walang magawa.
Kundi ang lumuluha,
Ano, masaya ba kayo?

Puso ko'y nalulungkot,
Dahil sa kagagawan ninyo.
Hindi ko maisip,
Na kayo pala ang unang makakasakit sa akin.

Alam kung noon pa ay hindi n'yo ako gusto,
Anong magagawa ko?
Kung tingin sa akin ay malas sa buhay n'yo,
Masisisi ko ba ang sarili ko?

Araw-araw ay lumuluha,
Bakit hindi na lang kunin ang buhay ko.
Kung dyan lang kayo magiging masaya,
Dahil alam ko luha ko ay kaligayahan mo.

*****************************************************************

PARA ANG PUSO'Y KUMALMA
ni Rein Lao


Magmula nang namulat ang musmos kong kaisipan,
Pagsubok ng balakid pinilit kong harapin.
Maging ang hirap at pagod minabuting 'wag isipin.

Minsan nga ay naisip na dayain ang sarili,
Para lang tapang sa loob ko'y manatili.
Ngumingiti upang magmukhang masaya,
At ginigiit kahit alam kong di ko na kaya.

Sa panahong ako'y nasasaktan,
Batid kong 'di palaging may malalapitan.
Sa tuwing hirap na akong magtimpi,
Tanging pagluha ang nakikita kong kakampi.

Dito nailalabas ang nadarama,
Isang paraan para pagod na puso'y kumalma.
Pagkatapos nito'y ititigil ang hikbi,
At ipipinta sa mukha ang matamis ng ngiti.

*********************************************************************


BUTIL NG BUHAY

ni Desiree Bonocan


Sa mundong ito, buhay ay walang kasiguraduhan,
Kailangan ito'y dapat paghandaan.
Sapagkat lagi nating mararamdaman,
Itong daloy ng kalungkutan at kasiyahan.

May pagkakataong tayo'y lumuha,
Sa ating buhay pag tayo'y masaya.
Ito'y dahilan ng ating tagumpay,
O 'di kaya'y masayahin lang sa buhay.

May luha ring dulot ng lungkot,
Na nagpapahirap sa bulaklak nito't tayutot.
Pati ang pusong nagmamalabis,
Ay nababahiran na rin ng mga hinagpis.

Sa pag-agos ng mga butil na ito,
Akala mo'y ika'y naengkanto.
Ang hindi mo alam,
Epekto nito sa puso'y sinamsam.

Pero ito ri'y may kabutihang handog,
Kung saan puso'y mukhang sasabog.
Hindi sa sakim o galit,
Kundi sa pag-asa na iyong nakamit.


******************************************************

MAHAL KONG LOLA
ni Jayvan Andrew B. Jarina


Lumaki ako sa pangangalaga ng aking Lola at Lolo,
Sapagkat sila Nanay at Tatay kapwa nagtatrabaho.
Mga pinsan at kapitbahay ang aking mga kalaro,
Naghahabulan, nagtataguan at naglalaro ng piko.

Binusog nila ako sa pagmamahal at mga pangaral,
Laging pinapaalala na araw-araw ay dapat magdasal.
Bilin din unahin at tapusin muna ang aking pag-aaral,
At sa kapwa matutong ibahagi ang kagandahang asal.

Isang araw aking Lolo ay bigla na lamang nanghina,
Na-mild stroke pala at may komplikasyon din sa baga.
Hindi na mapagsalita umurong ang kanyang dila,
Wala akong magawa noon kung di lihim na lumuluha.

Kitang-kita ko kung papaano siya lubhang pinahirapan,
Ng kanyang sakit kaya pilit niya itong pinaglabanan.
Ilang buwan din siyang labas pasok sa pagamutan,
Anong bigat ng aking dibdib pag siya ay pinagmamasdan.

Nakasakay ako sa dyip nang makita ko si Lola sa tabing kalsada,
Ako ay agad pumara at sa kanilang bahay kami ay nagpunta.
Dinatnan ko si Lolong basang-basa na pala ng ihi niya,
Ilang araw ang lumipas, nalagutan na siya ng hininga.

Nang siya ay ilibing magkahalong lungkot sa saya sa aking nadama,
Lungkot sapagkat hindi ko na siya makakapiling at makikita.
Saya dahil alam kong di na siya naghirap at ngayon ay payapa na,
Lolo hindi kita malilimutan, salamat po, mahal na mahal kita.

**************************************************************************

UNOS NG PAG-IBIG
ni Mary Louise C. Duaban


Tumulo ka ka, Oh aking luha,
Luhang nagbibigay ng sakit at pag-asa.
Luhang naghahatid ng lungkot at ligaya,
Dito sa puso ko'y bumabara.

Luhang di maubos-ubos,
Sa pisngi humaaplos.
Tinik sa lalamunan,
Sa pusong palaban.

Luhang umaagos,
Sa puso'y tumatagos.
Luhang lumagaslas,
Sa isip lumalagaslas.

Oh luha ng kalungkutan,
Ako'y iyong lubayan.
Oh luha ng kaligayahan,
Ako'y iyong subaybayan.
Oh luhang pinakawalan,
Sana'y matumbasan.
Ng ligayang walang hanggan,
Sa pusong hinandugan.


***************************************************************************

LUHANG DALA NG KATOTOHANANG PAG-IBIG
ni Evejane M. Arriesgado


Nang una kang makita, ako'y natulala,
Sabi ko sa sarili ko, ikaw na nga talaga.
Kaya balak agad ng puso ko'y ika'y mahalin,
Ito'y aking pag-iigihan para lang ika'y maangkin.

Sumunod na mga araw, ikaw ay linigawan,
Ginawa ko lahat para ika'y pagsilbihan.
Ngunit parang ipinakita mo sa akin ako'y hindi mo gusto,
Ang sakit-sakit pero bakit ang puso ko'y ayaw pang sumuko?

Hindi kita tinigilan para makita ko kung gaano ka kahalaga,
Kahit sabihin pa ng Tatay, Nanay, mga kapatid na ako'y tanga.
Wala akong pakialam sa mga  sinasabi nila,
Basta't para sa aki'y ikaw ang pinakamahalaga.

Ano bang ayaw mo sa akin at ako'y iyong inisnab?
Pinapangako ko naman, ika'y ihaharap ko sa altar na makintab.
Pero bakit anong pangako, pareho lamang ang pinapakita?
Wala ka bang tiwala sa aking magagawa?

Sinabi mo sa akin noon na ikaw ay tuwid,
Naniwala naman ang sugatan kong pusong manhid.
Sapagkat ano itong natuklasan, ikaw pala ay becky,
Sobrang tanga ko talaga, hindi ko namalayan ikaw ay peke.

Minsan lang umibig ang tangang 'to,
Pero bakit ako'y ginaganito.
Kaya ngayon, umiiyak ang puso kong duguan,
Mahirap talagang magmove-on pag umibig na nang totohanan.

**************************************************************************************

LUHA NG BUHAY
ni Charmaine R. Berioso


Simula pa lang sa pagsilang,
Mata ko'y luhaan.
Mata ko may uripon, hindi naman ito nasisilawan,
Sa mga makikinang na bulawan.

Sa ilalim ng aking mga mata,
May nakatagong mga luha.
Hindi man ito pumapatak sa tamang oras,
Pumapatak ito sa tamang landas.

Sana sa aking pagdilat,
Makikita ko ang liwanag.
Na walang katapusang ligaya,
At 'di na maliligaw sa maling akda.

Luha ng aking mga mata,
Puno ng mga pagdarama.
Malungkot man o masaya,
Luha ng buhay nagbibigay sa akin ng pag-asa.


************************************************************************************

SA GITNA NG MINSAN
ni Glaizah Pones


Taong dalawang libo't  labing-isa,
Sa buhay natin siya'y nagpakita.
At sa publiko ay pumapabida,
Kahit siya naman ay kontrabida.

Laksa-laksang tao sinubok niya,
Kahit ito pa man ay maralita.
Basta sagabal sa daraanan niya,
Walang 'di babaliktad na bituka.

Kaliwa't kanan ang hiyaw ay adya,
Ngunit ano ang iyong magagawa.
Kung mismo ang sarili mo man,
Ay nilulugmok ng madugong luha.

Bagamat bahag ang buntot ni Lilong,
Ay 'di natakot sumaklolo ng tulong.
Sa mga taong nawalan ng bubong,
Dahil sa pakana ni Sendong.

At ang minsang luha ng kapaitan,
Ay unti-unti nang nababawasan.
At ito ngayon ay pinapalitan,
Ng hirang Luha ng Kagalakan.


*********************************************************************************

HINDI MAN NGAYON
ni Cherrilyn R. Veloso


.Ako'y natatangi sapagkat pinagkalooban ng isang katulad mo,
Na sa aking pira-pirasong pagkatao'y bumuo.
Nagdusa't napahamak ka man nang dahil sa akin,
Ay minamal at tinupad mo pa rin ang iyong tungkulin.

Hindi ko pa man nababanaag ang liwanag ng mundo,
Kilalang-kilala ko na ang iyong debuho.
Tanging ang iyong hele, sa aking kalooba'y nagpapanatag,
At kahit ni minsan ako ay di nababagabag.

Ngunit marahang pumapatak ang aking luha sa ngayon,
Habang binabalik-balikan ang ating masayang kahapon.
Sapagkat ikaw ay tuluyan nang naglaho sa kasalukuyan,
Na wala man lang iniwang sapat na dahilan.

Ngunit Inay, tandang-tanda ko pa ang iyong pangako,
Na kahit anong mangyari, ako'y babalikan mo.
Hindi man ngayon, bukas o sa makalawa,
Alam mo na ako ay patuloy na umaasang tayo'y muling magsasama.

****************************************************************************************

SIYA
ni Excel Ann Compuesto


Sa kinailaliman ng puso kong mapagkunwari,
Ay isang tagong pighati't sakit na masidhi.
Kung gaano ako kasaya no'ng sya'y narito pa,
S'ya ring hapdi ng pag-ibig na ngayo'y wala na.

Mas malaki pa sa sansinukob nating 'to,
Mas komplekado sa pagkabuo ng mundo.
Mas matindi sa paulit-ulit na kamatayan,
'Yan ang pag-ibig kong 'di ko rin maintindihan.

Galit ko'y pinupuno ng apoy ang katawan,
Na nawawala sa t'wing sya'y sumasagi sa isipan.
Di ako galit sa kanya o sa kung ano't sino man,
Maliban sa tangang 'di s'ya kayang kalimutan.

Sa mga pangako n'yang di n'ya mapanindigan,
Hindi s'ya karapat-dapat na aking pahalagahan.
Higanti'y 'di kailan man hangad sa sya'y bigyan,
Dahil bawat kirot sa kanya'y doble sa'kin 'yan.

Ayaw ko nang umiyak at ipakita pagkatalunan ko,
'pagkat sa paraang iyo'y winawasak kong mundo ko.
Gusto kong tumawa nalang parati ng todo-todo,
Baka malimot pa'ng sakit na yakap ang puso ko.

Ngunit itawa ko ma'y 'di mawawala't mas dumurugo,
Damdami'y sumisigaw pa rin na sana'y 'di s'ya lumayo.
Bakit nga ba sa likod ng masaklap na pagtalikod n'ya,
Mabigat na rason pa rin ng pagpatak ng luha ko'y siya.

*************************************************************************************

TULAY NG BUHAY
ni Madel Mendiola


Ako'y isang batang namulat,
Sa mundong namatay sa sakit ng sikmura.
Sa mundong ang pagkain ay salat,
Sa mundong kung saan-saan may kalat.

Ako'y lumaking ulila,
Ama'y namatay sa sakit ng sikmura.
Ina'y iniwan at biglang nawala,
Kaya ako ngayo'y nangungulila.

Isa lang ang aking nalalaman,
Ina ko'y basta na lang akong iniwan.
'Di alam kung ito'y makatarungan,
Ina bang tunay ang ako'y iniwan.

Pero ganito man ang aking buhay,
Walang dahilan upang putulin ang tulay.
Tulay na makulay,
Tungo sa magandang buhay.

******************************************************************************
MAGULANG
ni Carlo Catadman


Sa ama't ina, tayo'y nasa puso,
Tuwa'y umiiral, kasakita'y lumalayo.
Mapag-alaga't 'di tayo isusuko,
Pagmamahal at pag-aalaga sila'y puno.

Anong sakit man ang ibibigay sa kanila,
Pagprotekta pa rin ang pakay nila.
Pagbabaya'y hindi salita sa kanila,
Kundi pagmamahal ang nasa damdamin nila.

Anumang pagtataboy ng anak ang gawin,
Balewala sa kanila't ito'y iindahin.
Sapagkat alam nila na ika'y babalik pa rin,
At taas noo na isigaw pangalan nila sa'min.

Hindi man sila kasinglakas ni Superman,
O kasing talino ni Einstein at Batman,
Pero nandoon pa rin magpakailanman,
Ang kanilang puso at ang katapangan.

**********************************************************************************

SA HULING SILAHIS
ni Brian P. Rebalde


Inaabangan ko doon sa kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan.
Iginugunit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

Aking dinamdam sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo't yakap.
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo.
Ang lungkot ng diwa't dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisapyo.

Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman.
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.

Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako'y lubos na tumangis.
Pag-ibig na lamang na igting na nais,
Ang makakapiling sa huling silahis.

***********************************************************************************

HAPDI
ni Lloyd Florita


Kung ako sa iyo'y magtungo,
Maganda mong mukha'y tumungo.
Mga ngiti mo'y kay bilis naglaho,
Binalahaw mo tuloy ang tulog kong puso.

Ako'y isang ganap na bubuyog,
Na handang talakayin anumang pasabog.
Maprotektahan lang ang bulaklak na natutulog,
Upang mga takot at alala'y tuluyang lulubog.

Sapagkat 'di ko lubos maintindihan,
Kung bakit  lubos ang iyong karahasan.
Nais ko lang nama'y magmahalan,
Sa dalagang tulad mo'y hulog sa kalangitan.

Karapatdapat ba akong masaktan ng ganito?
Minahal naman kita ng totoo.
Ngunit tila puso mo'y kasing-tigas ng bato,
Kaya't sa laban na ito'y ako'y natalo.

Sa pagbaha ng aking mga luha,
Sinampal ng alon na tila walang awa.
At sa pagkupas ng iyong tiwala,
Mamahalin pa rin kita nang walang sawa.

*************************************************************************************

ANG NATATANGING PAMILYA
ni Lord Simon C. Mondigo


Inspirasyon ko ang aking pamilya,
Mahal nila ako't, mahal ko ron sila.
Mula sa pagkabata ay kinalinga,
Hindi pinabayaan at laging inaaruga.

Maging sa pag-aaral sila'y inspirasyon,
Dahil mula sanggol binigyan nila ako ng proteksyon.
Kaya ako ay may lakas at may determinasyon,
Na tuparin ang aking mga imahinasyon.

Ngunit dumating ang isang araw,
Na ako'y nawala at naligaw.
Nalulong sa maraming bisyo,
At nadarama ko ay pagkabigo.

Kahit ito'y nangyari na sa akin,
Buhay na parang alipin.
Pero tinanggap pa rin nila ako,
Dahil gusto nila ang buhay ko'y magbago.

***************************************************************************************

itutuloy............!!! sundan nyo lang!!


























Thursday, September 22, 2011

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV (Panitikan)

I. Mga Layunin

            Sa pamamagitan ng mga graphic organizer at plot chart, 85% ng mga estudyante sa ikaapat na taon ay inaasahang;
a) natutukoy ang mga tauhan sa kwento;
b) napapakahulugan ang mga piling salita mula sa akda;
c) nailalahad nang may kawastuhan ang mga natapos na gawain sa bawat pangkat;
d) naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong karanasan sa buhay;
e) napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento;
f) nakabubuo ng isang liham; at
g) nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng kwento.

II. Paksang Aralin
    
Paksa:          Si Alelu'k at Alebu'tud
Sanggunian: Internet
                       Alamat ng mga Unang Panahon
                       www.elaput.org/almat24.htm
Kagamitan:  Mga larawan, pirasong titik, kompyuter at paso

Kasanayan: Paghahambing, paghahalaw, pagbuo ng sariling wakas ng kwento, katatagan sa
pagbibigay ng desisyon.

Kahalagahang Moral: Pagmalas ng pagmamahal sa mga mahahalagang tao ay isa sa mga
pinakaimportante upang mapatunayan ang bukod-tangi nating pagmamahal sa kanila.


III. Pamamaraan


A. Pangganyak
Ipapaskil ang mga larawan sa pisara.
Pagtigil ng hininga
Kandila
Puntod
Pagkaulila
Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Ano ang naiisip ninyo o pumapasok sa inyong mga isipan kapag nakikita anga mga larawang ito?
2. Sinu-sino sa inyo ang takot at hindi takot sa kamatayan?Ipaliwanag ang sagot.
3. Kung darating ang isang araw na biglang mawalay sa inyo ang pinakamamahal mong tao dahil sa kamatayang biglaan, paano mo ito haharapin?


Ganoon din ang nangyayari kay aleluk. Isang tahan sa kwento ng Rehiyon XI nang mawalay sa kanya nang biglaan ang pinakamamahal niyang tao. Hindi ko sasabihin kung snio ang taong yaon, saan ito nangyayari, at ano ang dahilan kung bakit siya nawala. Isulat sa pisara ang mga tanong na gusto ninyong makunan ng kasagutan tungkol sa kwento.

Inaasahang tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino si Aleluk?
3. Sino ang taong mahal ni ALeluk na biglang nawalay sa kanya?
4. Bakit nawalay kay Aleluk ang taong mahal niya?
5. Paano hinarap ni Aleluk ang nangyari sa kanya?


B. Pag-alis ng Sagabal
  • Papangkatin ang klase sa tatlo. Ipaalam sa mga mag-aaral ang larong gagawin. Sabihin rin sa mga mag-aaral na ang bawat pangkat ay bibigyan ng 50 pundong puntos na gagamitin sa laro. Ang pundong puntos ay maaaring madagdagan o mabawasan.
  • Ipapaskil sa pisara ang limang briefcase na nagtataglay ng mga salitang pinulot sa napiling akda. Ang mga salita ay nakatago sa loob ng bawat briefcase. Taglay rin sa ilalim ng salitang nakatago sa loob ng bawat briefcase ang dalawang salitang pagpipilian ng bawat pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng isang salitang sa tingin nila ay ang tamang kahulugan ng salitang pinulot mula sa akda. Hindi sasabihin ng guro ang tamang sagot ngunit sa halip ay ang guro ang maghihikayat sa bawat pangkat na piliin ang salitang gusto niyang piliin ng bawat pangkat katumbas ang ibibigay na puntos. Itatanong ng guro ang "Deal or No Deal" sa bawat pangkat. Deal ang isasagot ng pangkat kapag hindi na ito magbabalak na baguhin ang sagot at NO DEAL naman kapag ang pangkat ay nagbabalak na baguhin ang napiling sagot. Dalawang beses lamang maaaring itanong ng guro ang DEAL OR NO DEAL. Makukuha ng pangkat ang puntos na itinaas kapag ang napiling sagot ay tama at kapag mali ang napiling sagot, ibabawas ang itinaas na puntos sa pondong puntos ng pangkat.

Pagkatapos maibigay ang tamang kahulugan ng mga salitang napulot sa kwento, ipabasa angmga salita at kahulugan nito nang sabay-sabay. Para sa lubusang pagkaunawa sa mga salita, tumawag ng mga mag-aaral at ipagamit ang mga salita sa makabuluhang pangungusap.


Halimbawa:
Hindi namalayan ng matanda na sinakmal na pala siya ng nagngingitngit sa galit na aso.


C. Paglalahad
     Ipapabasa ng sabay-sabay sa klase ang kwentong si Alelu'k at Alebutu'd.


Si Alelu’k At Si Alebu’tud
          SINA Alelu’k at Alebu’tud ay magkasamang nakatira sa kanilang sariling kubo sa bundok. Nag-iisa sila at walang mga kapitbahay. Isang araw, nagpa-alam si Alelu’k sa kanyang asawa, “Manghuhuli ako ng baboy damo.” Nangahoy nga si Alelu’k, kasama ang kanyang tatlong aso at dala ang kanyang tidalan, subalit wala siyang natagpuang baboy damo. Sa halip, sa liblib ng gubat, namataan niya ang isang usa, malaki na ang sungay kaya natiyak niyang matanda na.

      Sinugod ng mga aso at sinakmal ang usa upang hindi makatakas. Sunod ang tumatakbong Alelu’k at pinatay ng tindalan ang hayop. Tapos, pumutol siya ng yantok sa tabi, itinali sa sungay ng usa at hinatak ang hayop pauwi. Sa bahay, sinalubong siya ni Alebu’tud. Tuwang-tuwa ang mag-asawa at marami silang pagkain.

            Humakot sila ng mga panggatong at iba pang kahoy. Nagparikit sila ng apoy, gamit ang mga panggatong, at nagbaon ng mga tukod sa paligid, gamit ang ibang kahoy. Sa tuktok ng mga tukod, nagtali sila ng banghay na kahoy, naka-ibabaw sa apoy. Duon nila inilatag ang patay na usa upang masunog ang balahibo. Pagkatapos, kinaskas nila hanggang nalinis ang balat ng hayop.

          Sinimulan ni Alelu’k na katayin at pagpira-pirasuhin ang usa. Samantala, hinugasan ni Alebu’tud ang malaking palayok at nilagyan ng tubig upang ilaga ang pira-pirasong laman at buto ng usa. Naubusan ng tubig si Alebu’tud kaya nagtungo siya sa ilog, dala ang kanyang sekkadu, subalit mas lapat ang tabò, isang biyas ng kawayan.

               Nakayapak sa ilog, umigib ng tubig si Alebu’tud. Nang puno na ang sekkadu, pinasan niya at nagsimulang umakyat sa pampang subalit biglang lumundag ang isang dambuhalang isda at sinakmal si Alebu’tud. Pumalag ang babae subalit hindi siya nakahiyaw dahil hinila siya ng isda sa ilalim ng tubig. Duon nalunod ang babae at kinain nang buo ng isda.

              Sa bahay, naghintay si Alelu’k subalit hindi na niya nakita kailan man ang asawa. Araw-araw, hinanap niya at araw-araw, umiyak siya sa lungkot sa pagkawala ni Alebu’tud. May sapantaha na ibang lalaki ang dumukot at tumangay kay Alebu’tud, subalit walang katibayan ito kahit na ano.



D. Pagtatalakay


1. Bago Bumasa
    Ibibigay ang mga kagamitan ng bawat pangkat.
   Bago babasahin ang kwento, ipapaalam sa bawat pangkat ang mga gawain. Bibigyan ang bawat pangkat ng tig-iisang cartolina, pentil pen, isang puting papel sa siyang gabay ng bawat pangkat sa gagawin. Maaari ring ipaliwanag sa guro ang mga gawain.


Pangkat 1: Paggawa ng isang graphic organizer "Flow Chart" na nagpapakita ng mga detalye sa kwento. Isulat sa cartolina. Pumili ng isang miyembro upang ilahad ang ginawa ng pangkat. Gawin ito sa loob ng sampung minuto.
Pangkat 2: Paggawa ng isang "P.L.O.T." tsart o (Pamagat Lugar, Oras, Tauhan). Isulat as cartolina. Pumili ng isang miyembro upang ilahad ang ginawa ng pangkat.


Pangkat 3: Wakas na Winakasan
Pagsulat ng sariling wakas ng kwento. Magdagdag ng mga pangyayari upang magtagumpay ang mga tauhan sa kwento. Isulat sa cartolina. Pumili ng isang miyembro upang ilahad ang ginawa ng pangkat.


2. Habang Bumabasa
Pagbabasa ng tahimik sa kwentong Alelu'k at Alebu'tud. Gagawin sa limang (5) minuto.


3. Pagkatapos Bumasa
Paggawa ng gawain na inilahad ng guro sa number 1 (10 minuto) at paglalahad ng bawat pangkat (5 minuto).


E. Pagpapalawak
1. Ano ang naramdaman mo sa wakas ng kwento?
2. Nabigyan ba si Alelu'k ng katarungan sa biglaang pagkawala ng mahal niya sa buhay?
3. Kung ikaw si Alelu'k, paano mo tatanggapin ang pangyayar?Anu-ano ang mga nagiging pagsisisi mo sa buhay?Bakit?
4. Ano ang naramdaman mo habang binasa mo ang kwento?
5. Anong mensahe ang naikintal sa inyong puso at isipan nang binasa ninyo ang kwento?


F. Paglalapat
     Pagsusulat at pagsusunog ng mga maling nakaugaliang gawin sa mahal sa buhay. Isusulat ang mga gustong baguhin sa papel at pagkatapos, susunugin nila ito sa loob ng paso na inihanda ng guro sa harap. Gagawin ito sa labas ng silid aralan..


IV. Ebalwasyon
A. Pagbabaybay
Panuto: Piliin sa hanay A ang kahulugan ng mga salita sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot. (6 na puntos)       
                 Hanay A                                                              Hanay B
______ 1. sinakmal                                              a. ratan                                                          
______ 2. yantok                                                  b. kinagat
______ 3. nagparikit                                            c. nagsindi
______ 4. banghay                                              d. kwadro
______ 5. sekkado                                              e. nakahiyaw
______ 6. nakasigaw                                           f. timba


V. Takdang Aralin
Panuto: Sagutin ang tanong sa 1/2 na papel.
Sino ang mahal mo sa buhay na sukabilang buhay na at gusto mong makitang muli?Bakit?Ano ang sasabihin mo sa kanya? (10puntos)

Sangay Ng Panitikan



       Ang video na ito ay isa sa requirement para sa asignaturang ICT na kung saan si Dr. Helen T. Bihag ang siyang propesor. Makikita dito ang mga kailangan sa isang talakayan upang mapabilis at magiging interaktibo ang paglalahad ng isang aralin.

Monday, January 10, 2011

Argao: A Humble Paradise


                                          A Brief History Of Argao

Location : 66.9 km.
Town Fiesta September 28 - 29
Patron Saint : Michael Archangel

When Argao was still a wilderness with only few people living far from each other, 
a certain kind of tree called “sali-argaw” grew abundantly along its coasts. They 
became landmarks  for fishermen on their fishing expeditions and serves as a 
haven on stormy days. These trees were so towering they could be seen while 
yet on the strait of Bohol. The town was named after these trees.

Argao is described as one of the most interesting places in  the province for its 
public stone buildings roofed with tiles and for its ovens used for the baking of 
bricks and tiles. Many of these Argao-made bricks and tiles found their way to 
Cebu City where they were used in elite houses. It is one of the few towns that 
still manages to keep alive the old Spanish flavor. This is evident not only from its 
old church, but also from its venerable houses made of tisa.

The town and parish were founded in 1806 under the patronage of San Miguel. 
It was a rich pueblo. As described, it was a town comparable to a village in Spain, 
with its public buildings made of stone and tiled roofs. It had a famous and large 
wharf. As protection and defense, the town was surrounded by bastions of stones, 
arranged proportionally. The natives of Argao were dedicated to agricultural pursuits. 
The women applied themselves to dyeing and weaving: two industries that provided 
a notable trade with the natives of Argao.

According to church records, the church of Argao was founded on October 16, 
1733. Another source says that Argao began as an encomienda, and that Argao 
parish was founded on May 17, 1734. It places Ignacio Olalde, OSA, as its first 
parish priest. The church tower or belfry was built upon the orders of Bishop 
Santos Gomez de Marañon (Bishop of Cebu 1829 - 1840). Its church is a beautiful 
rococo-baroque with unusual ceilings of canvass painted all over with religious 
motifs. J.T. Newman writes about the edifice in her visits to churches in Southern 
Cebu towns:

                                                Town's Masterpieces



Argao Church
The Church of Argao possesses one of the remaining 14 Spanish era pipe organs,and is one of the three in the whole province of Cebu. Estimated to have been built in the 17th to the 19th century by Spanish pipe organ makers.



On the ceiling are murals done by two of the best church muralist during that time (early 20th century).The first portion por-traying biblical manifes-tations of angels was done by the famous artist Canuto Avila. The other portion by the altar was done by Reynaldo Franciaand depicts the victory of St. Michael over Lucifer



Walled Pueblo
This imposing archway is called the Ganghaan sa Hari or Puerta Real. It serves as entrance to the walled pueblo in Argao built by Spanish colonizers in the 1600’s.






Central to the pueblo is the plaza, where Argawanons and guests can surf the Internet through wi-fi (wireless fidelity) connectivity.


Casa Real
Argao’s Casa Real is the oldest structure still used as a “munisipyo” (municipal hall). The sign on the building reads “Bahay Lungsod sa Argao, 1608.” The upper floor of the two-storey building has been turned into a museum that displays old photographs, clothes, and home implements, among others.





Cannons
Also on display in the plaza are Spanish cannons that “were used to defend the pueblo from Moro raiders,” according to a sign engraved in stone below them.



Decorative Well
A decorative well built over the old one that used to be the only source of water for Argawanons.















Nature Park
For adventure and pleasure, have fun enjoying in Argao’s must-see Nature Park. A nature lover, environmentalist or adventurist is so much welcome to visit their nature park and walk under the big trees, be amazed with the beauty of delicate nature and the birds, sit on their lagoon area, and/or enjoy the fun activities of wall climbing, zip lining, and boat riding.








Riverstone Castle
The pride of Argao’s Riverstone Castle made up of the nearby river stones.














Balay Sa Agta (Giant’s Cave)

The Giant’s Cave (Balay sa Agta), the northern entrance of Mt. Lantoy, Argao’s highest peak. From there you see hundreds to thousands of bats and birds. From Poblacion of Argao, ride a 4-wheel vehicle or the local’s motorcycle (habal-habal) to reach the location, Barangay Conalum. However, a need of climbing skills, no fear of heights, guts and good condition are needed to successfully reach the cave. the Giant’s Cave (Balay sa Agta), the northern entrance of Mt. Lantoy, Argao’s highest peak. From there you see hundreds to thousands of bats and birds. From Poblacion of Argao, ride a 4-wheel vehicle or the local’s motorcycle (habal-habal) to reach the location, Barangay Conalum. However, a need of climbing skills, no fear of heights, gut and good condition are needed to successfully reach the cave.



Bugasok Falls
Hidden far deep in Argao’s mountain barangay called Conalum is the town’s majestic Bugasok Falls. This trail upriver to the falls is an enchanted walk along forested cliffs and solid rockboulders. An added bonus is the unique plants and birds that visitors can see along the way.is trail upriver to the falls is an enchanted walk along forested cliffs and solid rockboulders.



Mahayahay Beach 

A romantic and quiet place with clean and clear blue water as well as fresh air that means Mahayahay Beach.
It is a good place to relax from the daily stress. The Mahayahay Beach is a nice sand beach and even at low tide no corrals will hurt the feet.






                                             Argao's Native


Tuba 
Tuba is local wine made from fermented coconut juice. Claudio Mamac, whose family has been into the business of tuba making since when it all began—and that was before the Spaniards came, said stories from the old folks told of how tuba was served during the time of the datus, ancient tribal chieftains who ruled the islands in pre-Hispanic time.
There are different classes of tuba based on the age of fermentation: dawat (new wine), bahal (a day or to a few weeks old), bahalina (a month to a year old), tinuig (more than a year old).



Torta

Argao has been famous for its well-loved torta; a delicacy from a mixture of several ingredients such as tuba (fermented coconut juice), pork lard, egg, and more secret components. This is equivalent to a homemade cake or a pastry, but of high-quality as compared to other locally produced home goodies. Since there are several Argawanons who have made torta-making their means of livelihood, you can find a number of variations for this delicacy.






Podrida


Same with suncake, this is a type of pastry, but with sweet fillings embedded at the center. Its filling varies according to the preference of the maker; however, the most common is the coconut jam (the likes of macapuno). The sweetness compliments well with the cookie that is baked with just enough tang.








                                                                      Bibingka




Suncake


This is a kind of cookie that is formed into various shapes like star, flower, or triangle. These are freshly baked that have consistent crispness and texture. This cookie is also considered as a staple food in every Argawanon's home, which is best when dipped into a hot choco drink.










*****************************************************************************************


                                                Getting to Argao, Cebu, Philippines
Argao is approximately 2 hours travel south of Cebu.

From Cebu city, there are travel options to Argao. Bus, Taxi or V-hire and for the adventurous, hire a car. It is also possible to hire a car with driver.

Bus
All buses run from the southern bus terminal in Bacalso. Buses are the most common form of transport and quite economical. We recommend you only catch a CERES Liner or Sunray bus, although there are many others. Ceres and Sunray buses are the most comfortable, if you sit in the centre or towards the front of the bus. You will regret sitting at the back! These buses often have very poor suspension, although the newer Ceres liners are good. Be prepared for an exciting ride. You will find most commonly that you will be sharing seats built for 2 with 3 people.

Taxi
Taxi is the easy option. Choose a driver you like, perhaps one who has taken you places around the city. Many in Cebu city understand and speak reasonable English. Be prepared to put fuel in the taxi if you pick a driver at random. Most taxis run on empty here. Be sure to get an agreement with the driver that the fuel cost will be deducted from the agreed fare. If you want, we can arrange a reliable driver to pick you up and bring you to Argao.

V-Hire
V-Hire is a minibus which transports about 10 people. The drivers generally own their own vehicle, so tend to take less risks on the road. The cost of this service is approximately twice the bus fare. Travel time is less and comfort is greater with these vehicles. This service operates from the southern bus terminal.